2015/04/02

Ika-Apat na Huling Salita

This Tagalog reflection is prepared by my father, Silvino Sr., who will be one of the speakers for the Seven Last Words program of our Holy Parish Catholic Church. God's mercy and blessing be with us all.



Ika-4 na Wika

Eloi, Eloi, Lama Sabachtani!
Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?

Pagninilay:

Isang matinding panaghoy at pagdaing na nagmumula sa isang tunay na taong hinubad ang pagka-Diyos, iyan si Hesus na nakapako sa krus sa bundok ng Golgota na kung tawagin ay lugar ng mga bungo. Ito ay lugar na kung saan ang mga criminal ay pinaparusahan ng paghatol sa pinakamababang antas ng pamamaraan ng paghatol sa pagkitil ng buhay o kamatayan.

Mag-iikatlo ng hapon. Madilim ang kapaligiran, nagsisimula ng kumulog at kumidlat. Pakiwari ba’y nagluluksa rin ang kapaligiran sa isang malagim na pangyayari sa buhay ni Hesus.

Sa kanyang pagkabayubag sa krus, nararamdaman Niya ang sakit ng mga sugat na sanhi ng koronang tinik na nakaputong at nakabaon sa Kanyang ulo na sinasagasaan ng dugo sa kanyang mukha, ang hapdi ng mga daan hampas sa Kanyang likod na halos mabalatan sa mga natuyong dugo, ang baling buto sa balikat sa pagkakapasan Niya ng mabigat na krus, at higit sa lahat ay ang pagkakapako ng Kanyang dalawang kamay at paa.

Nakayukayod siya, nakatingin sa ibaba, wari’y may hinahanap.

“Nasaan kaya ang mga alagad ko na kasama ko sa 3 taon kong pangangaral?”
“Nasaan si Pedro na pinagbilinan ko na magtatag ng aking simbahan? Bakit niya ako pinagkaila ng tatlong beses?”
“Nasaan ang mga bulag na binigyan ko ng paningin, ang mga pilay na aking pinalakad?”
“Nasaan na ang mga ketongin na aking pinagaling, ang mga may sanib na pinalayasan ko ng demonyo?”
“Nasaan na ang mga taong aking pinakain, mga makasalanang aking pinatawad?”
“Nasaan na ang mga taong aking binuhay o pinagaling mula sa malubhang kapansanan?”
“Nasaan ang mga tao na kailan lang ay nagsisigawan ng Hosanna, Hosanna?”

Ngunit higit sa lahat ay nararamdaman ni Hesus na parang pinabayaan na siya ng Kanyang Ama sa langit…Siya na walang ginawa sa lupa kungdi sundin ang kalooban ng Kanyang Ama.

Sa ganitong kalunos-lunos na sitwasyon at karamdaman, tumingala Siya sa langit at winika, “Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?

Pinabayaan nga ba ng Ama ang kanyang bugtong na Anak? Hindi. Kailanman ay hindi pinabayaan ng Diyos Ama ang kanyang anak. Ang Ama at ang Anak ay iisa kaya hindi Niya pwedeng pabayaan ang kanyang sarili. Ang Ama ay sumasa-anak at si Hesus ay sumama-Ama.

Ngunit dapat mangyari at matupad ang lahat ng paghihirap ni Hesus upang tayo ay maligtas. Labis ang pagmamahal sa atin ng Ama kaya Niya isinugo si Hesus para tubusin ang ating mga kasalanan.

Sa Juan 13:16-17 isinulat na “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang mga sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kungdi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kungdi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya.”

(pause)

Kapag dumarating ang bagyo, lindol, baha o anumang sakuna o anumang problema sa ating buhay, tayo ba ay nawawalan ng pag-asa? Marahil sa panahon ng matinding pagsubok ating nasasambit, “Natutulog ba ang Diyos?”, “Nasaan ang Diyos na mapagmahal?”, “Bakit ako pa, marami diyan ang mas makasalanan?”, Bakit si nanay pa na mabait at naglilingkod sa simbahan ang siyang nagkaroon ng kanser?”. Sa emergeny room ng mga hospital, doon natin maririnig ang ibat-ibang uri ng daing sa pagtawag sa Diyos mula sa mga taong sa tingin nila ay pinabayaan na sila ng Diyos.

Sa ating lumang tipan, marami din pagkakataon na ang mga nagmamahal sa Diyos ay sinubok na naging dahilan ng kanilang pagdududa sa pagiging tapat ng Diyos sa Kanyang mga pangako. Si Haring David, kung kanino nagmula ang angkan ni Hesus ay nagwika rin sa isang salmo na “Diyos ko, ako ay dumaing ngunit hindi ka dumating.” Si Job, sa isang parte ng matinding pagsubok sa kanyang buhay ay nagsabing, “Kunin mo na Diyos yaring aking buhay.”

Mga kapatid, dapat po natin tandaan na kapag may Biernes Santo sa ating buhay ay darating din ang Linggo ng Pagkabuhay. Hindi ibibigay ng Diyos ang isang pagsubok na hindi natin makakayanan. Magtiwala po tayo. Manalig po tayo. Sumampalataya po tayo na mahal tayo ng Diyos at hindi Niya tayo pababayaan. Alam niya ang ating pinagdadaan dahil mismong si Hesus ay dumaan sa sobrang pasakit at paghihirap. 

Sa isang artikulo sa Philippine Daily Inquirer noong Marso ng nakaraang taon ay nalathala ang isang kuwento ng buhay ng isang mangingisda na ang pangalan ay Eduardo Zabala. Siya ay taga Samar. Nang dumating ang bagyong Yolanda isa sa mga matinding napinsala ang kanilang bayan. Ang pamilya ni Eduardo ay may labing-isang miyembro pero ng humupa ang bagyo at baha, sampu sa kanyang mga kaanak ang nasawi. Kung tayo kaya ang nasa kalagayan ni Eduardo, sino ang ating unang iiyakan, ang ating asawa ba? Ating magulang? Anak? Kapatid? Apo? Marahi sa kaibuturan ng puso ni Eduardo ay naghuhumiyaw sa pagdaing niya sa Diyos. Subalit tiniis niya ang lahat. Sa halip, naroon pa rin ang matibay niyang pananalig sa Diyos sa gitna ng matinding trahedya sa kanyang buhay.

Itinatag ni Eduardo ang isang kooperatiba ng mga mangingisda sa Guian, Samar. Naging inspirasyon siya ng mga taong halos mawalan na ng pag-asa. Naibalik niya sa mga mangingisda ang tiwala nila sa sarili at sa ating Panginoong Diyos. Nabuhay muli ang kanilang hangarin na maglingkod pa sa kapwa. Marahil ngayon ay binabanggit ni G. Eduardo Zabala sa kanyang panalangin, “ Diyos ko, Diyos ko, Salamat po at hindi Nyo kami pinabayaan.”

Nasasabi sa Juan 3: 20-21 na “Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw at hindi lumalapit dito samantalang upang mahayag ang katotohanan ay lumalapit sa ilaw, sa gayon, nahahayag ang kanyang ginagawang pagsunod sa Diyos.”

Sabihin po ninyo sa inyong katabi,

”Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Diyos.”


2015/03/06

Listen

Yesterday, during our first-Friday mass healing with Fr. Faller at the SM Megamall, I pointed to Aim, our three-year old son, one of the photos of the Stations of the Cross which shows Jesus crucified.

Me        :           Aim, who is that on the cross?
Aim       :           Jesus
Me        :           What happened to Him?
Aim       :           He has blood.

In my attempt to add a touch of philosophical view on our conversation, I ask another question.

Me        :           Why do you think Jesus died?
Aim       :           He did not listen.

I tried hard to control my laughter in order to keep the solemnity of the on-going mass. I wanted to laugh because I quickly remembered that every time one of our two sons get hurt despite our constant warning (e.g. "Sofa is not for jumping.",  "Flopping is not safe."), we often remind them to listen to us, as soon as we are sure that they are already fine. Aim, just like all toddlers, was simply mimicking his parents words.

But, after a deeper reflection on it, I realized that Aim was incidentally giving me a deeper philosophical answer than I wanted him to learn.

Jesus did died because He did not listen.

Jesus did not listen to the Pharisees and Sadducees who wanted him to “tow their line” and follow their strict rules and regulations.
Jesus did not listen to the masses who wanted to make Him a revolutionary leader to fight the Roman empire.
Jesus did not even listen to his apostles and disciples who wished for Him to ditch all His prophesies about dying and to stay with them all the time.

Jesus only listened to His Father and to the silent cries of marginalized sinners to be forgiven and the needy to be relieved of their hardship.

This is why He died on the cross.

In this season of Lent, may we all learn and take the time to listen to Him again.
Only His voice matters truly.

God bless po.

Geometry of True Wealth


In the pentagon figure without any given length of sides or angles formed, what is the sum of all angles inside? To solve this trivial question, we must choose to remember and apply a basic geometry rule – that any given triangle has a sum 180 degrees for all 3 angles. Then, we choose one vertex and draw imaginary lines to its opposite vertex to create triangle figures. By “dividing” the pentagon, 3 triangles can be made. Therefore, 180 degrees x 3 = 540 degrees; it is the sum of all the angles of the pentagon.


In our life, the ambiguity of how to gain true wealth can also be solved by applying the same approach to this geometry problem. We must adhere to the basic biblical rules of contentment (trust in God) and generosity (gratitude to God).

Contentment
Indeed, it is necessary to be contended so our figure of wealth will not uncontrollably grow more than we really needed it to be able to live a simple life. We must pray and be on guard against our fears and greed for these two can ignite our desire the love for money. Hebrews 13:5 reminded us to ““Let your life be free from love of money but be content with what you have, for he has said, I will never forsake you or abandon you.” God knows our needs and He will provide. Therefore our focus on wealth accumulation is only towards meeting our needs and not to be immersed and to get lost in wealth's exponential growth. The key words here are “be content with what you have”. This simply implies we still need to work in order “to have” but we do not need to keep on working when we already have what we need.

Related bible readings:

Matthew 6:19 - “Do not store up for yourselves treasures on earth, where moth and decay destroy, and thieves break in and steal.”

Luke 12:15 – “Then he said to the crowd, “Take care to guard against all greed, for though one may be rich, one’s life does not consist of possessions.”

1 Timothy 6:9-10 – “For we brought nothing into the world, just as we shall not be able to take anything out of it. For the love of money is the root of all evils, and some people in their desire for it have strayed from the faith and have pierced themselves with many pains.”


Generosity
In the geometry problem solution, we needed to “divide” the pentagon to be able to see the sum of its angles. Just the same, we need to always “divide” also our financial blessings in order to find our “true” wealth. This “division” of wealth should translate to sharing our wealth for the betterment of our neighbors in need. 1 Timothy 6:18-19 attest to this biblical truth – “Tell them to do good, to be rich in good works, to be generous, ready to share, thus accumulating as treasure a good foundation for the future, so as to win the life that is true life.” When we use our financial blessings to “store up treasures in heaven”, our life will have a meaningful purpose that is in-line with God’s divine purpose.


Related bible readings:

Matthew 6:20 – “But store up treasures in heaven, where neither moth nor decay destroys, nor thieves break in and steal.”

2 Corinthians 9:6-7 - Consider this: whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows bountifully will also reap bountifully. Each must do as already determined, without sadness or compulsion, for God loves a cheerful giver.”


In all, contentment leads us to share and sharing leads us to a meaningful life.
Then we gain our true wealth.


God bless us all.