2008/12/24

Happy Birthday, Jesus

In the midst of world economic uncertainty and my family's journey to healing, I am pausing for a while to give thanks to you Lord for being the Word that became flesh to dwell among us. Your birth was the starting point of our heavenly Father's plan for redemption.

Thank you for being the reason for this season.
Thank you for your love for us.

Happy Birthday po.

2008/12/07

A Pail of Water

I remember when I was a young boy and were still living in our first house in San Juan Malolos, my kuya and I would occasionally fetch water from the nearby barrio deep well manual pump. As if carrying two pails of water at a time was not difficult enough, we had to balance ourselves as we walk through a narrow and rough “pilapil” or fishpond banks which was the only way to reach our house then. One careless mis-step would lead us downward to the murky water.


At first, I was very nervous to carry those pails of water so much so that whenever I reached home the water level on each pail would nearly be reduced to half due to mindless spills. But as time went by, I noticed that not only have I taken this task with ease and with minimal spillovers, I also realized that I am no longer afraid to do it.


The weight of the two pails never changed but I have grown muscles to confidently carry them.

As our family remembers tomorrow the fortieth day of Maia’s untimely passing away, my wife and I realize as well that the pain and depth of loss is not diminishing each passing day. She still wakes up in the early morning often with the melancholic feeling of losing our daughter at her very young age and I, at times, still catch myself staring into nothingness as I start to remember Maia in all her fondest moments and all my washed-away dreams for her. We still fight back tears whenever we talk about her and every time we see a girl toddler with a striking semblance to Maia’s physical features.


But the journey to our healing is on-going as well and we are developing spiritual and emotional “muscles” to help us move on and carry our heavy burden. We thank God for these “muscles-formers” like parents and well-meaning friends who keep us company with their presence, messages and prayers.


Everything is becoming clearer (and more personal) now about what Jesus said to those who wish to follow Him.


Mark 8:34 – “….Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”


With our faith being tested, my wife and I are looking forward to that day when we can confidently say, “Where to now, our Lord? Here we are with our cross.”

Because by that time, we can never be afraid of anything else.

Nothing but love will stand between us and Him.


PS. Thanks ANTie Ela for the inspiration to write this article :)

Maia's legacy

Tomorrow is December 8, 2008 and it is simply heartwarming to note that Maia’s 40th day falls on the same day of the Feast of the Immaculate Conception. I smile at my heavenly imagination of her playing on the lap of our Blessed Mother. She is, after all, our little angel in heaven.



Magandang araw po sa inyong lahat.


Maraming beses na po nating narinig ang mga pangungusap na ito – Ang pinaka importanteng magagawa ng isang tao sa buhay niya ay hindi kung gaano siya tatagal sa mundong na malusog at kapaki-pakinabang, hindi sa kung gaano siya tatalino at makakalikom ng iba’t-ibang uri ng pilak ng karangalan, hindi sa kung gaanong laki ng yaman ng mundo ang kanyang paghihirapang kitain at hindi sa kung gaano ka-impluwensya or ka-sikat siya sa kanyang magiging buhay pangangalakal. Ang pinaka importanteng magagawa ng isang tao sa buhay niya ay kung gaano siya magmamahal sa kapwa niya.


Mga minamahal po naming kapamilya, kamag-anak at kaibigan – ako po ay nasa harap ninyo upang patotohanan ang pangungusap pong ito.


Tayo po ay nagtitipon ngayong araw na ito sa isang kadahilanan – ang pagpanaw, paggunita at huling pamamaalam sa bunso naming anak na si Elisha Maire Cueto Santos o sa mas kilala nating palayaw na si Maia.


Si Maia po ay ipinanganak via caesarian section nuong ika-5 ng Enero taong 2007 sa Asian Hospital sa Alabang. Bago po kayo mag react na – “Uy mayaman pala itong sina Rowin at na-afford ang isa sa pinaka-mahal na ospital ng Pilipinas” - ay nais ko lang pong ipaalam sa inyo na patuloy pa po naming hinuhulugan ang maternity loan ko sa aming kumpanya at 25% interest rate per annum. Kaya naman po ay hindi po kami dapat kainggitan kungdi kaawaan. Biro lang po.


Sa kadahilanan na ako po ay kinakailangan bumalik agad ng China ay agad din po naming inayos ang kanyang binyag makaraan ng 2 linggo na aming ginanap sa makasaysayang Barasoin Church noong ika-21 ng nasabing buwan. Ang kanya pong mga ninong at ninang ay aming “malalapit” na mga kapatid, pinsan at kaibigan. “Malalapit” as in malapit puntahan sa araw ng Pasko para makalikom ng aginaldo.


Ng si Maia ay mahigit isa’t kalahating buwan na ay isinama na siya ni Menchie at Zek sa pagbalik ng China sa Shajing. Doon po niya naranasan ang marami niyang “firsts” sa kanyang buhay.


First time niyang nasakay ng eroplano.

First time niyang ma-experience ang tinatawag nilang Spring season – o tagsibol sa tagalog.

Marami po siyang nakitang pinturado at plastic na itlog sa kanyang first Easter egg hunting. Sa kanya po napunta ang mga itlog at sa amin ni Zek ang mga chocolates na nasa loob ng mga plastic na itlog

Natutunan po niya ang kanyang first time na pagdapa nuong siya ay nasa apat na kabuwanan.

First time din niyang makuhang humagikgik o tumawa nung mga panahong iyon.

First time niyang makasakay ng bus, kotse, train at hi-speed ferry sa mga sumunod na mga buwan.

Nariyan din po ang una niyang pag-enjoy sa pag-upo sa kanyang stroller at motorsiklong de-baterya ni kuya Zek niya.

Pinagsikapan din po ng kanyang mommy na agad matutunan ang kanyang mga first na pag-gapang, pag-tayo at ang paglakad.

Dumating po ang kanyang first autumn at kasunod ang winter sa pagtatapos ng taon.

Naranasan din po niya ang maraming mga regalo sa kanyang first na China Christmas kasama ng mga kapwa naming pinoy-expats sa Shenzhen.

At dahil nga po na siya ay babae ay maraming first time na kasuotan din ang nasubukan ni Menchie sa kanya – pinag-suot siya ng damit kuneho, anghel, prinsesa atbp.


Nuong mag-iisang taon siya ay muli kaming bumalik ng Pilipinas upang ipag-daos po ang kanyang kaarawan na aming ginanap sa clubhouse ng Tahanan Village sa may Paranaque. Naka-attend din po kami kasama si Maia at Zek for the first time sa The Feast ni Bro. Bo Sanchez sa Valle Verde Clubhouse sa Pasig. Makaraan ng ilang linggong bakasyon ay muli kaming bumalik sa China at si Maia po ay mabilis na lumaki at lumakas mag-gatas kaya lalo po akong na-inspire na mag trabaho ng maayos upang may mapagkunan ng pang-gatas niya kada 2-3 oras. Wala pa pong melamine scare nuon pero mahal pa rin ang gatas niya.


Nitong nakaraang Septembre ay tuluyan na kami nakalipat ng tirahan from Shenzhen to Zhuhai. Ang Shenzhen po ay isa sa mga top financial and industrial cities ng China na malapit sa Hongkong at ang Zhuhai naman po ang top retirement destination ng mga pagod ng mag-trabaho sa Shenzhen at iba pang top cities sa South China. Yung lugar po naming na Huafa New Town ay isang close and complete community na kilalang tirahan ng mga expats ng Zhuhai. Dito ay may kumpleto silang mga basic services like groceries, restaurants, at ibat-ibang mga shops na walking distance lang sa mga building flats. Napakalawak ng lupain na puno ng pananim at mga amenities na swimming pools, exercise gym, jogging pathways, mga kiddie outdoor play-areas atbp. Kaya naman po sa nalabing 2 buwan ng aming si Maia ay labis po na kasiyahan at kagalakan ang kanyang naranasan sa araw-araw na adventure at mis-adventure nila ni Kuya Zek niya sa paglibot ng aming bagong lugar.


Namaalam po si Maia sa amin, sa atin, nitong nakaraang ika-30 ng Oktubre taong kasalukuyan.


Marahil ay may ilan sa inyo ang nagtatanong sa inyong sarili kung nasaan ang aking patotoo na ang pinaka-importante sa buhay ng tao ay ang magmahal ng kapwa niya.


Narito po.


Si Maia po ay nabuhay ng 22 buwan lamang.

At dahil po sa maigsing buhay niya ay wala siyang tinanggap na anumang award sa anumang akademya o palakasan.

At dahil po sa murang edad niya ay hindi niya mararanasan ang magkaroon ng de-kalibreng kurso na magtutulak sa katuparan ng kanyang mga pangarap.

Hindi po siya kumita ng kahit isang kusing ng pera sa sarili niyang kayod.

Wala po siyang impluwensya o lakas na gawin ang anumang gustuhin niya.

Siya po ay “totally dependent” pa sa amin na kanyang mga magulang.


So ano po ba ang naging misyon ni Maia sa aming mga buhay?


Siya po ay nagdala ng maraming ngiti, tuwa at masasayang ala-ala na aming babauning mag-asawa hanggang sa huli naming hininga sa mundong ibabaw.

Siya lang po ang nakapag bigay ng ibayong tuwa sa kuya Zek niya dahil may kalaro na po siya anumang oras na sila ay parehong gising at nangungulit.

Si Maia po ang nagdala ng pagmamahal sa aming pamilya na tangi o uniquely-by Maia lamang.


Si Maia po ay nagmahal at minahal kaya po siya as masayang nasa langit na sa mga oras na ito.

Kaya naman po kaming tatlo na iniwan niya ay nanunumpa sa kanyang harapan at sa harapan ng Diyos na ang pagmamahal niyang ipinadama ay hindi lamang mananahan sa aming mga puso kungdi aming ipapa-mudmod sa ibang tao sa tulong ng biyaya ng Maykapal.


Hindi po namin ilalagay sa ala-ala lamang si Maia.

Isasabuhay po namin si Maia namin.


Sana po ay maging “Maia” din po tayo sa isat-isa.

“Maia” na ang bagong ibig sabihin ay “malayang nagmamahal”.


Pagpalain po tayo ng Diyos.

Salamat sa Diyos.




Our eldest brother, Kuya Rommel is spearheading the establishment of our family’s Maia Foundation as a fitting remembrance of our beloved child’s love for life. It aims to provide assistance and cooperation with existing charitable institutions as well as other self-initiated projects to give hope and share love to our least fortunate brothers and sisters. Our initial outreach will start with the following projects:

  1. Feeding Program of the Parish of Holy Spirit
  2. 5 vocational scholarship assistance to the Don Bosco Training Center in Cebu under Salesian priest Fr. Godofredo Atienza
  3. Quarterly sack of rice to the Bethany orphanage
  4. Livelihood project for the old people of Tikay, Malolos (under planning)